Pages

Friday, April 24, 2009

Opinyon Tungkol sa Human Cloning

Ang tao talaga minsan parang 'di makontento. 'Di naman ako nagmamalinis. Ako rin, minsan nag-aasam ng lampas sa kaya kong abutin. Halos lagi nga ata eh. Ewan ko nga ba. May pagka-masokista lang talaga siguro ang tao.

Masaya magbasa at manood ng mga sci-fi stuff tungkol sa pagku-clone ng tao. Parang ang hilig lang talaga nating isabuhay ang mga bagay-bagay na nabubuo sa ating mga imahinasyon (parang pa'no natin gayahin ang buhay ni Mara sa Mara Clara). Kaya pati human cloning ginagawa natin. Kaya lang ibang usapan na 'yung cloning organisms sa reality. Para sa 'kin, isang epekto ito ng hindi pagiging kontento ng mga tao.

Gaya ng lahat ng bagay, may mga advantages naman ito. Pero gaya rin ng lahat ng bagay, may mga disadvantages din. May mga repercussions din ang pagku-clone ng animals. Siguradong makukuha ng mga clones ang mga sakit na mula sa parent organism nito. Kaya magkakaroon ka ng isang community ng isang organism na may pare-parehong sakit. At pa'no kung mahirap lunasan ang mga sakit na 'to? Marahil malaki rin ang epekto nito sa environment natin. Dahil sa buhay, walang libre.

Mula kay Dolly, malayo na ang narating ng genetics. At matagal na ring sinusubukan ng mga scientists na mag-clone ng human beings. Sabi pa ni Dr. Panayiotis Zavos, isang scientist na nagpu-pursue ng human cloning, hindi raw ito unethical at malaki ang matutulong nito sa mga infertile couples na magkaanak at para buhayin ang mga anak na namatay. Maraming mga tao raw ang sumusuporta in monetary terms sa proyektong ito.

Siguro tama sya na at some point makakatulong 'to. Siguro... At malungkot naman talagang mawalan ng mahal sa buhay. Mababaliw nga siguro ako pag nawala ang nanay ko (*knocks wood* - 'wag naman muna sana.)

Pero kelan pa naging ethical na buhayin ang patay? Kelan pa naging ethical magpa-1oo% photocopy ng genes ng isang tao?

Una, pa'no mo ma-a-assure na yung na-clone mong patay eh the same 'pag nakagawa ka na ng exact replica nya (I mean emotionally, kasi nga biologically sya pa rin yun)? At pa'no kung yung tao ay ayaw na ring mabuhay? Baka magkakaro'n na tayo ng "the right to be dead".

At sa mga taong unable manganak, there are a lot of ways to have a baby. You're wasting even more money in something that shouldn't even be done. Parang mas naku-commercialize na nga ito kasi instead of having a child you're getting a child.

Sa bawat gawin natin, dapat isipin natin na lahat ay may repercussions. Anong mangyayari sa cloned baby 'pag naging successful tayo sa human cloning? Anong mga sakit ang pwedeng dalhin nito? Ano naman ang mga epekto ng cloning experiments sa mga surrogate mothers na ini-injektyunan ng mga cloned cells na 'to? Sino ba ang nakikinig sa kanilang mga nararamdaman? Andaming mga pwedeng tanungin tungkol dito.

Basahin ang article na 'to: Fresh Warning Over Cloning Dangers

We're not God. Siguro pa-minsan minsan ay dapat i-accept natin ang ating limits. Maging kontento. Ito siguro ang itinuturo sa 'kin ngayon ng aking sakit.

No comments: